Bakitganun #42

may crush ako pero hindi nia ko crush bakit ganon?…
BASAHIN: Bakit ‘Di Ka Crush ng Crush Mo

1) bakit wala pang boyfriend si j_gt_y? 2) at bakit minsan na nga lang sya magte-take risk, dun pa sa pa-fall sya na-fall?
1) alin sa mga sumusunod:

  • A. masungit ka
  • B. hindi ka nag-aayos ng buhok
  • C. takot kang masaktan
  • D. masyadong mataas ang standards mo
  • E. malakas ka sa rice

2) masama man ang naging experience mo ngayon, hindi pa rin dapat matakot mag-take risk. wag i-HIDE ang nararamdaman sa mga taong gustong maging part ng buhay mo. πŸ™‚

1) KILALA MO BA KUNG SINO AKO? 2) ANO YUNG POTAMOPHOBIA???
1) ikaw ba si inday badiday?
2) sabi sa dictionary, potamophobia is the fear of rivers, flowing water. siguro takot ka sa mga taong namamangka sa dalawang ilog. hihi.

1) kumusta ang multiply mo? 2) may alam ka na bang downloading tool para mapabilis ang pagretrieve sa mga MP3 files ko doon?
1) buhay pa naman ang multiply ko. swerte ng mabuksan ko sya isang beses sa isang buwan.
2) wala akong makitang maayos na downloading tool para sa multiply.

Anong magandang ipost sa fb para sa 1st anniv. Namin ng bf ko. .ung sweet.
wag mo ng daanin sa fb ang pag-celebrate nyo ng 1st anniversary. madami lang maaasar sa inyo na mga single friends mo. hihi.

Continue reading

Bakitganun #41

dapat ko pa rin bang itxt ung crush ko na binasted ko pero cnbe ko sa knya na frnd lang kami at ibibigay ko yung pgmamahal ko bilang isang kaibigan, nag paparamdam ako sa kanya nagtitixt pero de n niya ako tinitxt paminsan minsn lang kasi busy daw xa…. pero di ba masama n txt ako ng txt sa knya araw2x den xa minsan lang nag txt. hmmmm minsan ang weird kc para aqng tanga wlng kausap hahaha.
siguro may katangahan ka nga ng konte dahil binasted mo ang crush mo. crush mo tapos babastedin mo? well, siguro hindi ka pa ready at mas madami ka pang pina-prioritize tulad ng pag-aaral. mabuti yan. sa isang banda ay napabilib mo din ako dahil hindi ka nagpadala sa tawag ng iyong damdamin. balik sa tanong mo, bigyan mo muna ng time yung crush mo na namnamin yung sakit, pait at kirot ng pagbasted mo sa kanya. hindi mo sya masisisi kung paminsan-minsan o hindi na sya mag-txt sayo. nasaktan mo ang tao. mag move on na kayo pareho.

paanu kung sabihin sau ng gf mu na “you can break me anytime” anu gagawin mu
sasabihin ko: WOW

pano reglahin after i stop from breast feeding.
basahin mo ito: Breastfeeding And Menstruation

mainit ba sa tiyan ang sperm cell ng lalake
kahit anong nanggaling sa loob ng katawan ng tao ay mainit.

bakit ba ayaw sakin ng crush ko, maganda naman ako? at saka piling ko may feelings din cia sakin ayaw nia lang ipagtapat??
hindi lahat naghahanap ng maganda. yung iba naghahanap ng mayaman. haha. maganda ka nga kung masama naman ang ugali mo. isa pa, wag ka masyadong feelingera. siguro kung crush ka ng crush mo ay niligawan ka na nun dati pa lalo kung alam nya na crush mo sya.

Continue reading

Bakitganun #40

pano mo malalaman kung ang babae nagpapakipot lang o ayaw ka nya lang talaga
sa pagkaka-alam ko, magkaiba ang signs na ipinapakita ng babaeng nagpapakipot sa babaeng ayaw talaga sayo. makiramdam ka ng mabuti. kung hindi mo mapakiramdaman, tanungin mo na. doon din naman ang uwi nyan.

paano mo malalaman na loyal sayo ang GF mo?
magtiwala ka lang. yan lang ang magandang sagot dyan. πŸ˜‰

Bakit may mga taong nagsasabi ng Luv is blind? at kalimitan ay girl ang ngsasabi nito.
nakakita ka na ba ng mag-syotang pangit ang lalake at maganda ang babae? yun, di ba love is blind. haha!

basahin mo na lang ‘to para mas maliwanagan ka pa: Ang Puno at Dulo ng Pag-ibig

bakit hindi ka na sumasagot? active pa ba tong site na toh?
active pa. mag-Like sa Facebook Page at i-Follow sa Twitter para sa mga update.

anong ibig sabihin kapag ang ex bf mo ngttxt pa sayo kahit almost 3yrs na kayong wala at may asawa na sya???
baka nagsisisi na sya na hindi ikaw ang nakatuluyan nya. nagpaparamdam sya sayo. at ikaw naman, wag kang magpaka-tanga. wag ka ng makihalo sa buhay nya. sakit lang ng ulo yan.

o baka naman friendly lang talaga.

iba ang FRIENDLY sa MALANDI

Continue reading

Bakitganun #39

ano puwedeng gawin kapag galit sayo ang mahal mo?
e di landiinbolahin lambingin mo. πŸ˜‰

bakit kapag tinapat mo sa apoy ang asin ay magiging kulay black
lahat ng mga bagay na itinapat ko sa apoy at nasunog ay nagiging kulay black.

ano ang pinaka magandang inumin na vitamins pra maiwasan ang kuliti
iwasan mo na lang ma-infect ang mata mo. wala akong alam na vitamins para maiwasan ito.

ano ang kaugnayan ng peer pressure sa maagang pag aasawa
sample 1: lahat ng barkada mo nag-asawa na, lagi ka nilang tinutukso na mag-asawa ka na.

sample 2: ang mga magulang mo ay lagi kang tinatanong kung kelan mo sila mabibigyan ng apo.

sample 3: tumatanda ka na, laging tinatanong ng mga kamag-anak, kaibigan, etc kung kelan ka mag-aasawa

ang computer status ay at risk taz may lalabas na clean computer,pipindtin koba?
kung lumabas yan habang ikaw ay nagsu-surf sa internet sa mga “malicious” sites, malamang na iyan ay isang hoax. mag-ingat sa mga pinupuntahang website.

Continue reading

Bakitganun #38

bakit higit pa sa kaibigan ang tingin ko sa kaibigan ko
dahil higit pa sa kaibigan ang gusto mo. siguro mahal mo na sya.

e paano kung sabihan ka ng ganito:
higit pa sa kaibigan ang tingin ko sayo, para na kitang kapatid.

#friendzoned

kapag lasing ang isang tao nagsasabi ba ng totoo?
sabi nila, kung gusto mong mapaamin ang isang tao, lasingin mo sya. nawawala sa wisyo ang tao kapag nalalasing. hindi na mapigilan ng utak nila ang hindi dapat nila ginagawa o sinasabi. madami ng mga ikinatago-tagong sikreto ang nailabas dahil sa kalasingan.

ilan days bago ka magpregnancy test pagkatapos mo makipgsex ng wlng proteksyon?
basahin mo ‘to:
Pregnancy Tests

ano ba ang epekto ng sex ring sa babae?
ang alam kong meaning ng sex ring ay ang mga sindikatong involve sa sex trade. kung meron mang ring na nilalagay sa kung ano ay hindi pa ako nakakakita.

pwede bang hindi reglahin ang naglalabas ng white mens
ayon sa nabasa ka normal lang ang white mens. yun lang. ang haba e. medyo tinatamad ako magbasa. haha. πŸ˜› Continue reading