Bakitganun #49

huwag pa-fall.

anu ba ang dapat gawin ng lalaki pag nahuli na ni misis at ni kabet?
humingi ng tawad. magpakabait ka na at makuntento sa isa.

pagkatapos nyo magtalik kinabukasan nagkaroon ka ng regla ngunit sa sumunod na buwan ay di kana nagkaroon, buntis kya sya?
ang mga nabibiling pregnancy test kits ay sumusukat ng pregnancy hormones sa iyong katawan. mabisa daw itong gamitin pagkatapos mong ma-missed ang iyong period. bili na sa iyong suking drugstore.

ang pag iihi ng madalas ay nakakasira ba ng katawan?
nailalabas ang dumi sa loob ng ating katawan sa pamamagitan ng pag-ihi. kung madalas ang iyong pag-ihi ay mas madami ka ding mailalabas na dumi sa iyong katawan.

ano ang siguradong dahilan ng pagkawala ng virginity ng isang babae?
may nagsabi dati: “virginity is a state of mind”
Panoorin ang video tungkol sa virginity ayon sa isang eksperto.

ano ba talagang problema mo???
problema ko ay kung paano sasaguting lahat ng problema ng ibang tao na itinatanong sakin

Continue reading

Bakitganun #48

paano ba maging malapit ka sa crush mo?
may ibang dinadaan sa biro. ang iba ay dinadaan sa pang-aasar. meron din namang dinadaan sa lambing. pero laging tatandaan na wag sosobrahan, baka ma-creepy-han sya.

Pano masasabing hacker ang isang tao?
sa ngayon, mas madalas na nating i-associate ang hackers sa mga taong gumagamit ng computer para makapambiktima ng mga korporasyon o indibidwal para mapagkakitaan o kung ano mang masama nilang balak. meron din namang tinatawag na mga ethical hackers. ito naman ang mga taong ginagamit ang kanilang hacking skills upang mapag-aralan, mapalakas at gawing safe ang mga computers, computer networks, cyberspace at kung anu-ano pang may kinalaman sa “cyberlandia”.

pang pasikip bA ang tawas?
hindi. pampaputi sya ng kili-kili o damit.

bakit ganun sabi sakin ni catherine d nya ako gusto pero natyempuhan ko lagi syang tingin ng tingin?
wag kang masyadong assuming, masasaktan ka lang.

15 rason para hindi magalit ang girlfriend mo

  • wag mambababae. (kung mambababae, wag magpapahuli. joke lang!)
  • wag susundan ng tingin kung may mapapadaan na ibang babae tuwing kasama mo sya
  • lagi mo syang dadalahan ng pagkain
  • habaan ang pasensya kung kasama mo sya sa pagsho-shopping
  • wag mong kakalimutan ang mga importanteng dates tulad ng birthday nya, anniversary nyo, birthday ng aso nya at iba pa
  • wag sasabihing tumataba na sya. kung hindi maiiwasan, ihanda ang sarili
  • samahan syang manood ng mga romcom, drama at romance films sa sinehan
  • wag itago sa pamilya o barkada unless may usapan kayo tungkol dito
  • ibigay ang celphone kung hinihiram nya. patunay ito na wala kang itinatago
  • pag sinabi nyang “oo”, “sige”, “enjoy” o “ok lang”, magdalawang isip ka. minsan, kabaligtaran ito ng gusto nya
  • kung may ipinangako ka, tuparin mo (kaya wag ipangako na ibibigay ang araw, buwan at mga bituin)
  • laging papakinggan ang mga sinasabi nya at tandaan ang mga importanteng detalye. kung kelangan mo ng ballpen at papel para isulat ito, gawin mo
  • wag mo syang sasaktan. may mga pagkakataong hindi naiiwasan na masaktan mo sya o magkasakitan kayo emotionally, pero wag na wag mo syang gagawan mg pisikal na pananakit. bad yun!
  • mag-aral ng mabuti, work hard, lumayo sa mga bisyo para maging proud sya sayo
  • etong huli ay bahala ka na. kelangan e mag-effort ka rin minsan 😀

Continue reading

Bakitganun #47

Bakit sumasakit puson ko pag umiihi?
isa sa pinaka-common na sanhi nito ay ang pagkakaroon ng urinary tract infection. makabubuting kumunsulta sa doctor kung patuloy itong nararamdaman.

masama bang magmahal ng kapareho ang kasarian
depende sa kung ano ang pinaniniwalaan mo. iba-iba ang pananaw ng mga tao tungkol dito.

ano gagawin ko kasi cool off na kami ng gf ko
hindi ako naniniwala sa cool off. kung gusto mo ng space, mag-astronaut ka.

bakit ang tao ay makasalanan? 
dahil tayo’y mga tao lamang na madaling matukso. at ito ang susukat sa ating katatagan, mga paniniwala at prinsipyo.

kapag ba daan ng daan ang babae sa harap mo, may gusto na agad sayo?
assuming ka masyado. baka naman kelangan nya lang talagang dumaan dun.

Continue reading

Bakitganun #46

pano ko sasabihin sa taong mahal ko na gusto ko sya
na-encounter ko tong site na ‘to dati.

5lovelanguages

basahin din ito: Learn the Language of Love

Bakit pag naglalakad tayo sumasabay ang kampay ng kamay naten? Di ba pwedeng wag nalang sumabay ung kamay?
for balance and stability. mas energy efficient din daw ito.

sino nasasarapan pagdating sa sex? babae o lalake?
dapat pareho kayong nag-eenjoy.

bakit hanggang ngayon hindi pa tumitigil ang menstration ko?
magpatingin ka na sa doktor

anu yong 7 (pito-pito) gamot ni ernie baron
ang pito-pito ay ang pinaglagaan ng pitong natural o organic na sangkap. sinasabing ito ay nakakagamot ng madaming sakit. ang mga sangkap na ito ay:
1. pandan (dahon)
2. manga (dahon)
3. banaba (dahon)
4. bayabas (dahon)
5. alagao (dahon)
6. anise (seeds)
7. coriander (seeds)

Continue reading

Bakitganun #45

mang admin nagtapos ako ng pag aaral sa kolehiyo sa emilio aguinaldo college. e dehins ko sya trip, pwede ko bang palitan ng andres bonifacio college yung alma mater ko? at paano? tips nga dyan! salamat!
mag-aral ka na lang ulit. Maghanap ka ng Andres Bonifacio College. Meron ka ng Aguinaldo meron ka pang Bonifacio

anong sentimyento mo sa pagrereformat ng multiply? yung niretrieve ko mga rare artists na lang.
lahat daw ng magagandang bagay ay may katapusan. Matagal ng naka-backup ang mga mp3 na inupload ko sa Multiply 😉

bakit mas masarap bumarkada kesa mag review? kaso ayoko na pumila sa PRC next year!
apir! 🙂

may kaso ba ang maagang mag-aasawa
madaming kaso

Kaylangan ba talaga na pasado ka sa lahat ng college entrance exam bago?
bago ano? Nabitin ako.

Continue reading