Bakitganun #48

paano ba maging malapit ka sa crush mo?
may ibang dinadaan sa biro. ang iba ay dinadaan sa pang-aasar. meron din namang dinadaan sa lambing. pero laging tatandaan na wag sosobrahan, baka ma-creepy-han sya.

Pano masasabing hacker ang isang tao?
sa ngayon, mas madalas na nating i-associate ang hackers sa mga taong gumagamit ng computer para makapambiktima ng mga korporasyon o indibidwal para mapagkakitaan o kung ano mang masama nilang balak. meron din namang tinatawag na mga ethical hackers. ito naman ang mga taong ginagamit ang kanilang hacking skills upang mapag-aralan, mapalakas at gawing safe ang mga computers, computer networks, cyberspace at kung anu-ano pang may kinalaman sa “cyberlandia”.

pang pasikip bA ang tawas?
hindi. pampaputi sya ng kili-kili o damit.

bakit ganun sabi sakin ni catherine d nya ako gusto pero natyempuhan ko lagi syang tingin ng tingin?
wag kang masyadong assuming, masasaktan ka lang.

15 rason para hindi magalit ang girlfriend mo

  • wag mambababae. (kung mambababae, wag magpapahuli. joke lang!)
  • wag susundan ng tingin kung may mapapadaan na ibang babae tuwing kasama mo sya
  • lagi mo syang dadalahan ng pagkain
  • habaan ang pasensya kung kasama mo sya sa pagsho-shopping
  • wag mong kakalimutan ang mga importanteng dates tulad ng birthday nya, anniversary nyo, birthday ng aso nya at iba pa
  • wag sasabihing tumataba na sya. kung hindi maiiwasan, ihanda ang sarili
  • samahan syang manood ng mga romcom, drama at romance films sa sinehan
  • wag itago sa pamilya o barkada unless may usapan kayo tungkol dito
  • ibigay ang celphone kung hinihiram nya. patunay ito na wala kang itinatago
  • pag sinabi nyang “oo”, “sige”, “enjoy” o “ok lang”, magdalawang isip ka. minsan, kabaligtaran ito ng gusto nya
  • kung may ipinangako ka, tuparin mo (kaya wag ipangako na ibibigay ang araw, buwan at mga bituin)
  • laging papakinggan ang mga sinasabi nya at tandaan ang mga importanteng detalye. kung kelangan mo ng ballpen at papel para isulat ito, gawin mo
  • wag mo syang sasaktan. may mga pagkakataong hindi naiiwasan na masaktan mo sya o magkasakitan kayo emotionally, pero wag na wag mo syang gagawan mg pisikal na pananakit. bad yun!
  • mag-aral ng mabuti, work hard, lumayo sa mga bisyo para maging proud sya sayo
  • etong huli ay bahala ka na. kelangan e mag-effort ka rin minsan 😀

Continue reading